Bakit kailangan ang mga makaranasang abogado sa aplikasyon sa pagiging mamamayan?
Lahat ay nagsasabi na ang imigrasyon ay simpleng pag-fill up lang ng isang form at AYOS NA! Tapos na. Pero hindi ganoon kadali. Kung anong form at anong impormasyon ang ilalagay sa form na iyon ay LEGAL NA PAYO at ang pagpili ng maling form o paglalagay ng maling impormasyon dito ay maaaring magresulta sa pagtanggi sa inyong pagiging mamamayan o DEPORTASYON mula sa Estados Unidos.
Sa nakaraang dalawampung taon, mula sa iilang pahina ay naging higit sa DALAWAMPUNG pahina na ang N-400 na aplikasyon para sa naturalisasyon! Ang impormasyon na hindi man lang naisip ng maraming tao noong sila ay naging mga residente ay hinahanap na ngayon at sa ilang kaso, maaaring magdulot ito ng problema sa proseso ng aplikasyon. Ang pagkakaroon ng isang taong may alam kung ano ang gagawin kapag nagkaroon ng mga isyung iyon ay napakahalaga. Huwag isapanganib ang inyong buhay sa bansang ito sa pamamagitan ng mga pangakong “diskwento” at “murang bayad sa abogado,” na maaaring maging pinakamahal na legal na payo na maaari ninyong matanggap.
Ang hiwa-hiwalay na tulong ay hindi epektibo sa mga kaso ng imigrasyon. Muli, kahit na isipin ninyo na ang imigrasyon ay pagsusulat lang ng “form,” hindi ibig sabihin na ganoon nga ito. Maaari kayong magbayad sa isang abogado para punan ang form, ngunit ito ba ang tamang form? O tama ba ang impormasyong inilagay? Batay sa karanasan at sa aming nakita, HUWAG kailanman gawin ang isang kaso sa imigrasyon nang nakahati sa iba’t ibang bahagi. Ang lahat ng ginagawa ninyo, lahat, ay sa isang paraan o sa ibang paraan konektado sa inyong immigration status sa Estados Unidos – kaya bakit ninyo isasagawa ang inyong kaso na parang isang simpleng form lamang?
Ang pagiging mamamayan ay ang pinakamagandang benepisyo na maaaring ninyong makuha sa bansang ito. Magiging kasiyahan naming tulungan kayo sa prosesong ito.