Immigration Detention – Mga Bond

Ekspertong tulong sa mga kaso ng

Immigration Detention

Humahawak kami ng mga kaso ng detention at nagsisikap na makakuha ng mga bond mula sa ICE o sa isang hukom sa imigrasyon.

Sa ganitong paraan, matutulungan namin ang aming mga kliyente na ipaglaban ang kanilang mga kaso habang nagtatrabaho at namumuhay sila kasama ang pamilya nila. Ang pagkaka-detain sa isang immigration detention center sa US ay nangangahulugan na malapit na kayong ma-deport sa inyong bansang pinagmulan. Kung made-deport, siguradong magwawakas na ang mga pangarap na hinahangad ninyo para sa inyong sarili at pamilya. Ang solusyon ay humingi kaagad ng tulong mula sa isang ekspertong abogado sa imigrasyon.

Ang aming mga abogado sa The Nations Law Group ay makakagawa ng mga hakbang tungkol sa inyong kaso ng immigration detention upang ma-release kayo at maprotektahan ang inyong immigration status. Ihaharap namin ang mga argumento sa korte na may katibayan upang ipakita na hindi kayo panganib sa komunidad at lulutasin namin ang isyu na dahilan ng inyong pagkaka-detain upang agad-agad na ma-release kayo.

immigration detention

DETENTION

Ang immigration detention ay maaaring sanhi ng mga raid, pag-aresto, o pagiging naroroon sa maling lugar at oras. Una, tandaan na kahit hindi kayo kriminal, maaari kayong i-detain ng pulisya sa imigrasyon (ICE). Kung sa tingin ng ICE ay nasa bansa kayo sa ilegal na paraan, sapat na batayan na iyon para i-detain nila kayo, at maghahanap sila ng katibayan para tiyakin ito. Kung sa tingin nila ay walang kayong dokumento o karapat-dapat para sa removal (deportasyon) mula sa Estados Unidos, maaari nila kayong i-detain. Sa ilang mga kaso, kailangang i-detain ng mga opisyal ng ICE ang isang tao. Halimbawa, kung mayroon silang mga kasong kriminal o kung nahuli sila habang pumapasok sa US.

MGA BOND

Kapag ang ICE ay nag-detain ng isang tao, gagawa sila ng tinatawag na pagtukoy sa halaga ng bond. Ang pinakamababang halaga ng bond na itatakda ng ICE ay $1,500. Kung makita ng ICE na wala kayong kakayahan na magbayad ng bond, maaari ninyo muling ipasaalang-alang ang natukoy na halaga ng bond sa isang Hukom sa Imigrasyon. Ibig sabihin nito, mananatili kayong naka-detain hanggang maitakda ang isang bond at mabayaran ito. Kung walang itinakdang bond, may iba pa ring mga opsyon ng relief tulad ng habeas corpus, ngunit dapat kayong laging kumonsulta sa isang makaranasang abogado sa imigrasyon.

RELIEF

Kapag kayo ay na-detain ng Imigrasyon, hindi ninyo lang kailangang ipahinto ang pagkaka-detain kundi dapat mayroon din kayong dahilan kung bakit hindi kayo dapat ma-deport. Ito ay tinatawag na relief at may iba’t ibang anyo ito. Halimbawa, kayo ay residente, ang krimeng isinampa sa inyo ay hindi batayan para me-detain o ma-deport, ang inyong asawa ay residente o mamamayan ng US, atbp. Upang malaman kung mayroon kayong relief, kailangan ninyong makipag-usap sa isang abogado na hindi lamang nakakaunawa sa relief na iyon kundi naipresenta na rin niya ito nang matagumpay sa Korte ng Imigrasyon.

Kung kayo o kakilala ninyo ay na-detain ng ICE, tawagan kami at makakatulong kami sa pagharap sa sitwasyon at paghahain ng tamang kaso upang ang taong iyon ay ma-release at/o manatili sa U.S.

Kontakin kami ngayon

907-770-0909

Kung ito ay isang emergency may kaugnayan sa imigrasyon (Kayo o isang miyembro ng pamilya ninyo ay na-detain o malapit nang i-deport) mag-text sa amin dito anumang oras.

Tandaan na kayo at ang inyong pamilya ay may mga karapatan, ngunit gayundin ang lahat ng opisyal ng gobyerno – ang pagiging magalang at mabait ay magiging kapaki-pakinabang sa pagpapaalam sa mga opisyal ng ICE na nais ninyong magkaroon ng abogado na presente sa anumang interogasyon.

[contact-form-7 id=”1596″]

Mga larangan ng serbisyo Mga Alaska Immigration Lawyer

Citizenship

Pagkamamamayan

Immigration Appeals

Mga Apela sa Imigrasyon

Family Based Residence

Family Based Residence

Detention Bonds

Mga Detention Bond

Deportation Removal

Deportasyon Removal

Asylum

Asylum

Mga Alaska Immigration Lawyer

Kami ay mga abogado sa imigrasyon sa Alaska na nagsasagawa ng aming propesyon sa Anchorage, Alaska. Sa mahigit na 20 taon ng karanasan, nagbibigay kami sa aming mga kliyente ng mahusay na legal na payo at representasyon sa lahat ng larangan ng batas sa imigrasyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para pag-usapan kung paano namin kayo matutulungan.

Kung paano kami makakatulong
Suriin ang aming mga serbisyo. Kami ay naglilingkod para sa lahat ng uri ng mga kaso sa imigrasyon. Matutulungan namin kayo tungkol sa Deportasyon, Asylum, Pagkamamamayan, o Paninirahan.

Ang aming mga serbisyo
Kami ay naglilingkod para sa lahat ng uri ng mga kaso sa imigrasyon. Mula sa Deportasyon, Asylum, Pagkamamamayan, mga petisyon sa Kasal, mga Fiancée Visa, mga Apela, at marami pa. Makipag-ugnayan sa amin para malaman ang maraming paraan kung paano namin kayo matutulungan.

© Todos los derechos reservados 2024 - Web Design Tomate Agencia Digital