Ang mga kaso ng asylum ay maaaring hatiin sa proactive o defensive na mga kaso. Ang proactive na mga kaso ay mga kasong ipina-file ng isang tao nang direkta sa USCIS (Imigrasyon).
Ang mga kasong ito ay hindi nagsasangkot ng deportasyon at iniharap sa USCIS ang kaso ng tao. Kapag nagpa-file ng kaso, ITO ANG PANAHON NA KAILANGAN NINYONG MAHUSAY NA IPRESENTA ANG INYONG KASO. Ibig sabihin nito, dapat ninyong maingat na suriin ang inyong ipinipresenta at tiyakin na ito ay isang legal na kaso na puwedeng isampa – hindi isang imbento lamang at may mga katotohanan kung saan ang asylum ay maaaring ipagkaloob.
Hindi ibig sabihin na dahil takot kayong bumalik sa anumang dahilan o pumasa kayo sa credible fear interview ay makakakuha kayo ng asylum.
Ang defensive na mga kaso ng asylum ay mga kasong inihaharap ng isang tao na dini-deport mula sa Estados Unidos upang maiwasan na pauwiin pabalik sa kaniyang bansa.
Ang mga kasong ito ay inihaharap sa hukom sa imigrasyon at sumusunod sa parehong mga patakaran ng mga kaso na inihaharap sa USCIS. Ang pagkakaiba dito ay ang inyong kaso ay diringgin ng isang Hukom at isang Trial Attorney na kumakatawan para sa ICE. Sa ibang salita, ito ay magiging iba kaysa sa aplikasyon sa defensive na kaso na tanging diringgin ng isang credible fear officer.
Tandaan na palaging gamitin ang mga abogado na maaaring magrepresenta sa inyo sa korte. Ang mga notaryo, “kaibigan,” o paralegal ay hindi maaaring lumitaw sa harap ng Korte at hindi maaaring magrepresenta sa inyo sa inyong kaso. Ito ay isang MALAKING problema.
Sa wakas, tandaan na ang lahat ng kaso ay dapat i-file sa loob ng isang taon mula sa pagpasok ng isang tao sa Estados Unidos. Kung nais ninyong mag-file pagkatapos ng nasabing panahon, dapat ninyong patunayan na halos imposible na mag-file noong panahon mula sa inyong pagdating hanggang sa pagpa-file ng inyong kaso.
Tandaan na palaging kumonsulta sa isang abogado kapag may kinalaman sa isang kaso ng asylum.
Kung ang inyong kaso ng asylum ay hindi pinaboran, maaari kayong mag-apela sa Board of Immigration Appeals. Alamin kung paano mag-apela ng inyong kaso, dito.