Deportasyon / Removal

Deportasyon Defense Lawyer

Kung kayo o kakilala ninyo ay “idini-deport,” tingnan ang impormasyon sa ibaba at

Tawagan ang aming mga deportation defense lawyer upang pag-usapan ang inyong kaso sa lalong madaling panahon.

Ang deportasyon (o opisyal na tinatawag na removal) ay kapag ang isang tao ay pilit na pinaaalis o hindi pinapahintulutang pumasok sa Estados Unidos.

Karaniwang nangyayari ang prosesong ito sa harap ng isang hukom sa imigrasyon, ngunit kung minsan ito ay maaaring “pabilisin” at isagawa ng isang opisyal sa “imigrasyon.” Ang deportasyon/removal ay maaaring isagawa habang kayo ay nasa kustodiya ng ICE (na-detain) o hindi.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa removal habang kayo ay naka-detain, tingnan ang aming pahina tungkol sa Mga Bond at Detention.

deportation defense lawyer

Deportation Defense LawyerDepensa Laban sa Deportasyon (Ang detalyadong bersiyon):

Makakakita kayo ng katulad na gabay na inihanda ng aming partner at deportation defense lawyer na si Nicolas A. Olano para sa AVVO sa pamamagitan ng pag-click dito. Ang mga pagdinig para sa removal ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang dokumento na tinatawag na Notice to Appear o NTA sa maikli. Narito ang sumusunod na impormasyon tungkol dito:

  1. Pagpapadala ng Abiso o Notice  – Pagpapanatiling updated ng inyong address: Ang abiso ay ipinapadala sa pamamagitan ng koreo o nang personal. Dahil sapat na ang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo, dapat ninyong PALAGING i-update ang Imigrasyon (CIS, ICE, at EOIR) sa inyong address. Ang NTA ay maaari ding personal na dalhin sa inyo ng isang Opisyal ng Imigrasyon.
  2. Mga Nilalaman ng Abiso – Mga Alegasyon at Akusasyon. Tutukuyin ng NTA kung anong mga aksyon ang dahilan ng (mga) akusasyon para sa removal. Palaging ipinahahayag nito na hindi kayo mamamayan ng US at kung saan kayo mamamayan o kung saan ang inyong bansang pinagmulan. Tutukuyin din ng NTA ang mga paglabag sa batas sa Imigrasyon na kayo ay inaakusahan. Maging pamilyar sa dokumentong ito, ito ang magsasabi sa isang deportation defense lawyer o opisyal ng pamahalaan kung ano ang nangyayari sa inyong kaso ng imigrasyon. Kung magpapaiskedyul kayo ng konsultasyon dahil nasa sumasailalim kayo sa mga pagdinig para sa removal, mangyaring dalhin ninyo ang NTA.
deportation defense lawyer

Iba’t ibang mga tao ang nagtatrabaho sa Korte ng Imigrasyon, narito sila:

  1. Ang Hukom (EOIR). Ang Hukom ay bahagi ng Department of Justice kaya hindi talaga sila kabilang sa “Imigrasyon.” Sila ay mga Hukom at nasa kanilang kamay ang inyong buhay kaya magbigay-pansin sa sinasabi at ginagawa nila. Kung wala kayong abogado, bibigyan kayo ng pagkakataon ng IJ na makakuha ng abogado. Gamitin ang oras na ito upang makakuha ng tamang payo. Gayundin, kung may mga tanong kayo, ITANONG sa IJ kung wala kayong kinatawan o sa inyong abogado kung mayroon kayo. Sa huli, hawak ng Hukom ang inyong buhay, tawagin sila sa tamang paraan bilang “Judge” o “Your Honor” at gawin ang sinasabi nila – may obligasyon silang gawin ang pinakamakakabuti sa inyo.
  2. Ang Trial Attorney (ICE). Ang mga Trial Attorney (TA) ay kabilang sa Immigration and Customs Enforcement Office of the Chief Counsel (OPLA-ICE). Ang kanilang trabaho ay “ihabla” ang inyong kaso, kaya mahalaga na mayroon kayong tamang tagapagtanggol na tutulong sa inyo sa prosesong ito. Tandaan na sila ay mga sinanay na deportation defense lawyer na may kaalaman sa batas sa imigrasyon at inatasang patunayan ang kaso laban sa inyo. Ibig sabihin nito, ihaharap nila ang mga ebidensya (mga dokumento, testimonya, larawan, talaan) upang ipakita kung bakit dapat kayong ma-deport o paalisin mula sa Estados Unidos. Ang pagkakaroon ng abogado na pamilyar sa proseso ng removal ay tutulong sa inyo sa pagharap sa pamahalaan habang nasa mga pagdinig para sa removal.
  3. Ang Clerk. Ang Clerk ay kabilang sa EOIR at naroon upang tulungan ang Hukom sa pangkalahatang impormasyon at suporta. Kung wala kayong abogado, ito ang taong tatanggap ng inyong impormasyon at karaniwan nang siya ang magsasabi kung ano ang nangyayari. Halimbawa, sila ang tatawag ng inyong kaso o magbibigay sa inyo ng mga dokumento mula sa IJ. Puwede kayong magtanong sa Clerk ng karaniwang mga katanungan tungkol sa inyong kaso.
  4. Ang Interpreter. Depende sa sarili ninyong wika, magbibigay sa inyo ang Korte ng isang interpreter nang walang bayad. Ang taong ito ang paraan upang magkaroon kayo ng komunikasyon sa Korte. NAPAKAIMPORTANTENG maunawaan ninyo ang sinasabi niya. Kung hindi ninyo maintindihan ang interpreter, PALAGI ninyong sabihin sa inyong abogado o kung wala kayong abogado, sabihin ito sa IJ.
  5. TANDAAN: Palaging maging magalang at maayos ang hitsura kapag nasa Korte ng Imigrasyon. Ang inyong hitsura ay nagsasabi ng maraming bagay tungkol sa inyo at ang LAHAT ay magbibigay-pansin dito. Sa aming opinyon, kapag maayos ang hitsura at magalang sa pagsagot, mas may tsansa na manalo sa kaso. (Kung hindi kayo sigurado kung paano manamit para sa Korte, isipin ninyo na pupunta kayo sa isang pormal na okasyon tulad ng simbahan, templo, o isang interbyu para sa trabaho).

Ang mga Pagdinig sa Korte ng Imigrasyon:

  1. Ang Master Hearing. . Ito ang unang pagdinig ninyo. Karaniwan na, bibigyan kayo ng Korte ng pagkakataon na ipagpaliban ang pagdinig na ito, humingi ng continuance, upang makakuha ng legal na tagapagtanggol. Karaniwan nang gagawin lamang ito ng isang beses. Sa pagdinig na ito, kayo o mas mainam na ang inyong abogado ay tutugon sa mga akusasyon sa NTA at hihiling din ng relief (Kung ano ang makakapigil para kayo ay ma-deport. Halimbawa, kung kayo ay residente na, ang krimen na sinasabing kayo ay nahatulan ay hindi isang kasong maaaring batayan para sa removal, kayo ay kuwalipikado para sa isang waiver, atbp.) May iba pang mga tao sa Korte na mayroon ding kaso sa parehong oras ng sa inyo, kaya maaaring matagal kayong manatili roon. Tandaan na maaari kayong humiling ng isang Abogado, pero hindi sasagutin ng pamahalaan ang bayad – kayo ang magbabayad – upang ipagtanggol kayo. HUWAG KAILANMAN harapin ang mga akusasyon sa NTA nang walang abogado na magrerepresenta sa inyo sa KORTE. Depende sa inyong kaso, maaari kayong magkaroon ng isa o maraming master hearing.
  2. Ang Individual Hearing. Sa pagdinig na ito, ihaharap ninyo ang inyong kaso sa Korte. Ito ang pagkakataon na sasabihin ninyo ang inyong kuwento. Ihaharap ng inyong deportation defense lawyer ang inyong kaso sa pagdinig na ito, kaya ang lahat ay dapat na nai-file sa Korte. Ang inyong abogado ay magtatanong sa inyo at sa sinumang testigo at ihaharap ang mga dokumento at argumento sa paraang pumapabor sa inyo. Maaaring atakihin ng pamahalaan ang inyong kaso o hindi sila sumalungat sa puntong ito. Mas mabuti kung nakipag-ugnayan na ang inyong abogado sa abogado ng pamahalaan, ang Trial Attorney (TA), bago ang pagdinig upang malutas ang anumang isyu bago ang pagdinig. Sa huli, maaaring tumagal ang pagdinig ng ilang oras at magbibigay ng desisyon ang Hukom sa dulo o irereserba ito, ibig sabihin ay ibibigay niya ang desisyon sa ibang pagkakataon. Kung ang inyong kaso ay hindi pinaboran, may karapatan kayong mag-apela. Tingnan ang aming pahina tungkol sa Mga Apela sa Korte ng Imigrasyon dito sa BIA.

Kontakin kami ngayon

907-770-0909

Kung ito ay isang emergency may kaugnayan sa imigrasyon (Kayo o isang miyembro ng pamilya ninyo ay na-detain o malapit nang i-deport) mag-text sa amin dito anumang oras.

Tandaan na kayo at ang inyong pamilya ay may mga karapatan, ngunit gayundin ang lahat ng opisyal ng gobyerno – ang pagiging magalang at mabait ay magiging kapaki-pakinabang sa pagpapaalam sa mga opisyal ng ICE na nais ninyong magkaroon ng abogado na presente sa anumang interogasyon.







    Mga larangan ng serbisyo Mga Alaska Immigration Lawyer

    Citizenship

    Pagkamamamayan

    Immigration Appeals

    Mga Apela sa Imigrasyon

    Family Based Residence

    Family Based Residence

    Detention Bonds

    Mga Detention Bond

    Deportation Removal

    Deportasyon Removal

    Asylum

    Asylum

    Mga Alaska Immigration Lawyer

    Kami ay mga abogado sa imigrasyon sa Alaska na nagsasagawa ng aming propesyon sa Anchorage, Alaska. Sa mahigit na 20 taon ng karanasan, nagbibigay kami sa aming mga kliyente ng mahusay na legal na payo at representasyon sa lahat ng larangan ng batas sa imigrasyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin para pag-usapan kung paano namin kayo matutulungan.

    Kung paano kami makakatulong
    Suriin ang aming mga serbisyo. Kami ay naglilingkod para sa lahat ng uri ng mga kaso sa imigrasyon. Matutulungan namin kayo tungkol sa Deportasyon, Asylum, Pagkamamamayan, o Paninirahan.

    Ang aming mga serbisyo
    Kami ay naglilingkod para sa lahat ng uri ng mga kaso sa imigrasyon. Mula sa Deportasyon, Asylum, Pagkamamamayan, mga petisyon sa Kasal, mga Fiancée Visa, mga Apela, at marami pa. Makipag-ugnayan sa amin para malaman ang maraming paraan kung paano namin kayo matutulungan.

    © Todos los derechos reservados 2024 - Web Design Tomate Agencia Digital