Ekspertong Tulong sa
Mga Apela sa Imigrasyon
Sana’y ang inyong desisyon ay paborable at ang Hukom ay magpapasya nang pabor sa inyo.
Sa proseso ng mga apela sa imigrasyon, kung ang desisyon ay negatibo, ibig sabihin nito na ang Hukom ay nag-utos ng inyong removal o deportasyon. Kung mangyari ito, mayroon kayong 30 araw upang mag-apela sa naging desisyon sa Board of Immigration Appeals.
Ang inyong apela ay dapat isumite mismo sa BIA sa loob ng 30 araw dahil kung hindi, ito ay magiging huli na. MAGING NAPAKAINGAT SA PUNTONG ITO. Sa halip na mag-apela, maaari kayong mag-file ng isang motion para sa muling pagsasaalang-alang sa loob ng 30 araw o isang motion para sa muling pagbubukas ng kaso sa loob ng 90 araw. Ang desisyon kung aling paraan ang susundin ay dapat na gawin kasama ang inyong abogado, dahil maaapektuhan nito ang mga karapatan ninyo.
Sa panahon ng apela, isang abogado sa imigrasyon ang magtatanggol kung bakit dapat maging iba ang desisyon sa inyong kaso. Maaari niyang gawin ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang “sumaryo” na naglalaman ng mga legal na argumento sa inyong kaso.