Huwag mag-atubiling tingnan ang aming karanasan at mga kuwalipikasyon upang makilala kami at suriin kung kami ay makatutugon sa inyong mga pangangailangan.
Miyembro
907-770-0909
907-770-0902
Tungkol sa kaniya Eksklusibong nagpopokus si Mr. Olano sa mga usapin tungkol sa batas sa imigrasyon. Si Attorney Nicolas A. Olano ay nagtapos ng degree na Juris Doctor, “JD,” mula sa University of Miami School of Law noong 2001. Pagkatapos nito, pinangasiwaan niya ang Olano & Associates Law Firm noong 2002. Sa kasalukuyan, siya ang nag-aasikaso ng mga usapin sa imigrasyon sa Nations Law Group sa Anchorage, AK.
SI Attorney Nicolas A. Olano ay may listahan ng mga kahanga-hangang tagumpay. Noong 2004, siya ay pinangalanan bilang “Attorney of the Year” mula sa CASA. Sa kaso ng Dyana Romero Castillo v. U.S. Attorney General, naibalik niya ang kaso sa BIA. Nakamit niya rin ang parehong resulta sa kaso ng Jesus Armando Guarisma v. U.S. Attorney General.
Dahil sa kaniyang malalim na kaalaman sa batas sa imigrasyon, hinahangaan at hinahanap-hanap na tagapagsalita si Attorney Nicolas A. Olano. Siya ay naging tagapagsalita para sa American Immigration Lawyers, Radio Pax, at Caracol Radio.
Iba-iba ang mga paksa mula sa prosecutorial discretion at reporma sa imigrasyon hanggang sa mga krimen at waiver sa imigrasyon. Si Attorney Nicolas A. Olano ay isang aktibong propesyonal sa larangan ng batas sa opisina, sa labas ng opisina, at sa korte.
Sa loob ng 18 taon niyang pagiging isang immigration attorney, nakagawa si Nicolas A. Olano na isang maganda at kahanga-hangang reputasyon.
Sa mga kapuwa abogado niya, kilala siya na mahusay sa pagpapatupad ng batas, mataas ang integridad, at may dedikasyon sa mga kliyente. Sa gitna ng maraming niyang mga kliyente, patuloy siyang nakakatanggap ng papuri dahil sa kaniyang mga naka-personalize na pamamaraan, katapatan, at positibong mga resulta.
Binibigyan niya ng sapat na oras ang bawat kaso na nararapat sa mga ito at hindi siya sumusuko. Lagi siyang masaya na sagutin ang mga tanong at agad na tumutugon sa mga mensahe.
Ang inyong kaso ay mahalaga sa kaniya kung paanong mahalaga ito sa inyo.
Kayang harapin ang anumang isyu sa imigrasyon, kabilang ang deportasyon, pagkakakulong, asylum, green card, apela, mga visa sa trabaho, at naturalisasyon.
Marami na siyang natulungang indibidwal at kanilang mga pamilya. Ang batas sa imigrasyon ay komplikado at patuloy na nagbabago. Si Attorney Nicolas A. Olano ay up-to-date sa mga pagbabago at wastong nagpapatupad ng batas.
Kung kayo ay napapaharap sa isang isyu sa imigrasyon o mayroong tanong tungkol sa imigrasyon, humingi ng tulong kay Attorney Nicolas A. Olano para sa mga kasagutan at legal na solusyon na napatunayang epektibo.
SPEAKING ENGAGEMENTS
MGA ADMISSION
EDUKASYON
MGA ASOSASYON
MGA LEGAL NA KASO
Miyembro
907-770-0909
907-770-0902
Si Attorney Lara E. Nations ay nag-aral sa Florida International University College of Law at nagtapos ng degree na Juris Doctor noong 2014. Siya ay naging law clerk sa Olano & Associates mula 2010 hanggang 2015. Sa kasalukuyan, siya ang nangangasiwa sa Nations Law Group sa Anchorage, AK. Nagpopokus si Ms. Nations sa mga usapin sa Imigrasyon.
Sa kabuuan ng kaniyang gawain bilang abogado, nakagawa si Attorney Lara E. Nations ng napakahusay na reputasyon sa kaniyang mga kapuwa abogado at mga kliyente.
Sa mga kapuwa abogado niya, siya ay kilala dahil sa kaniyang malawak na kaalaman sa batas, malikhaing mga solusyon, at pamamaraan na nagpapahalaga sa mga kliyente.
Kilala siya ng mga kliyente niya sa kaniyang pagiging mapagmahal, integridad, at dedikasyon sa pagkakamit ng positibong mga resulta. Gumugugol si Attorney Lara E. Nations ng panahon para makinig sa mga legal na problema ng mga kliyente niya at nagbibigay ng praktikal at epektibong mga legal na solusyon.
Komplikado ang mga batas at sistema sa imigrasyon. Tinutulungan ni Attorney Lara E. Nations ang mga kliyente na maunawaan ang mga batas at regulasyon at maging pamilyar sa legal na proseso ng imigrasyon.
Bagaman hindi ninyo kailangan ng isang abogado para maging isang mamamayan ng Estados Unidos, matutulungan niya kayo na maiwasan ang mga pagkaantala at pagkabigo na maibigay ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa isang aplikasyon sa imigrasyon.
Tumutulong si Ms. Nations sa mga kasalukuyang mamamayan ng Estados Unidos sa paghahain ng mga petisyon upang matulungan silang makakuha ng mga family-based visa para sa kanilang mga asawa, anak, at magulang. Kapag napapaharap sa posibilidad ng deportasyon, puspusang nagsisikap si Attorney Lara E. Nations na protektahan ang inyong immigration status.
Nauunawaan niya ang batas sa imigrasyon at gagawin niya ang lahat para magkaroon ng malakas na depensa laban sa deportasyon. Sinisiguro rin niya na ang lahat ng legal na dokumentasyon ay maisagawa sa tamang panahon, dahil mayroong mahigpit na mga deadline.
Hayaan ninyong ang karanasan ni Ms. Nations ay makatulong sa inyo kung kailangan ninyong mag-apela para sa imigrasyon o maghain ng kahilingan para sa prosecutorial discretion at pigilan ang inyong deportasyon. Tinutulungan din niya ang mga kliyente sa mga kaso ng pandaraya sa kasal, pagkuha ng mga green card, at mga pagdinig para sa piyansa.
Ang sistemang legal ay patuloy na sumusulong at nagbabago. Si Attorney Lara E. Nations ay nananatiling up-to-date sa mga kasalukuyang pangyayari at nagpapatupad ng epektibong legal na estratehiya at solusyon.
MGA ADMISSION
EDUKASYON
MGA ASOSASYON
MGA KARANASAN SA TRABAHO
© Todos los derechos reservados 2024 - Web Design Tomate Agencia Digital